A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagpaplano ng Paglalakbay Kapag Ikaw ay May Diyabetis

Ang pangangalaga sa iyong diyabetis ay nangangahulugan na ikaw ay gagawa ng kaugalian para sa mga bagay tulad ng pagkain, ehersisyo, at pag-inom ng gamot. Ngunit minsan ang kaugalian na ito ay napuputol kapag ikaw ay naglalakbay. Ang pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan ay maaaring makatulong sa iyo na lumikha ng isang plano upang maging handa sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Ang mga payo sa ibaba ay maaaring makatulong.

Closeup ng braso na nagpapakita ng medical alert bracelet.

Kapag Ikaw ay Naglalakbay

Sa iyong paglalakbay, hangga’t maaari ay manatili sa plano ng iyong pagkain at pag-eehersisyo.

  • Magsuot ng ID na kwintas o pulseras na nagsasabing ikaw ay may diyabetis.

  • Dalin ang iyong diabetes kit at huwag itong isama sa iyong bagahe.

  • Maghanda ng doble ng iyong mga kagamitan na sa tingin mo ay iyong kakailanganin. Subukan na huwag ilagay ang mga ito sa iisang bag.

  • Sa mga paglalakbay gamit ang tren, bus o eroplano, gawing maglakad sa pasilyo kahit kada 2 oras.

  • Palaging magdala ng mapagkukunan ng fast-acting sugar, katulad ng mga tabletang glukos o matitigas na kendi ngunit hindi sugar-free na kendi.

  • Magdala ng ekstrang meryenda, katulad ng biskwit, keso, o prutas, sakaling maantala ang pagkain.

  • Uminom ng maraming tubig, lalo na kung babyahe ng pahimpapawid.

  • Kung ikaw ay maglalakbay sa kabilang ibayo ng higit pa sa 2 magkaibang oras (time zone), tanungin ang tagapangalaga ng kalusugan kung paano maisasaayos ang iyong gamot o iskedyul ng iyong insulin.

  • Kung ikaw ay sasakay sa eroplano, huwag tanggalin ang tatak ng reseta mula sa bote ng insulin at mga kagamitan. Ang mga ahenteng pangseguridad ng TSA ay maaaring gustuhing makita ang mga ito upang mapahintulutan kang madala ang mga ito at makapasa sa pagsusuring pangseguridad.

Maging Handa

  • Magdala ng isang diabetes kit. Kabilang sa mga dapat na laman nito ay ang iyong glucose meter para sa dugo, baterya, test strips, ang lanseta, fast-acting sugar, ekstrang gamot, mga hiringgilya kung kinakailangan, at kopya ng mga reseta. Gumamit ng isang lalagyan na dinisenyo para sa paglalaman ng mga kagamitan para sa diyabetis. O gumamit ng lalagyanan ng makeup, pouch na nalalagay sa sinturon, o portpolyo.

  • Dalhin ang iyong diabetes kit saan kaman magtungo, katulad ng pagdadala mo sa iyong wallet at susi.

  • Magsuot ng pulseras o kwintas na nagsasabing ikaw ay may diyabetis.

  • Maglagay ng mga kagamitan sa trabaho pati narin sa tahanan.

  • Dalin ang numero ng tagapangalaga ng iyong kalusugan.

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals BSN MPH
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 12/1/2021
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer