Pagpipigil ng Ihi (Babae)
Nangangahulugan ang pagpipigil ng ihi na mayroon kang problema sa pag-ihi. Sa ilang kaso, maaaring hindi ka makapaglabas ng anumang ihi. Nangyayari ang kundisyong ito kahit puno na ang iyong pantog.
Mga sanhi
Para sa mga batang babae at kababaihan, pinakakaraniwang sanhi ng pagpipigil ng ihi ang impeksiyon sa pantog. Maaari ding maging sanhi ng problemang ito ang ilang gamot. Maging ang mga pagbabago sa katawan, tulad ng paghina ng mga kalamnan at tisyu sa matris (uterine prolapse) at matinding pagtitibi.
Mga sintomas
Walang sintomas ang ilang tao. Para sa ibang tao, kasama sa mga karaniwang sintomas ang:
-
Pananakit o pagkapuno ng pantog o ibabang bahagi ng tiyan
-
Pamamaga ng tiyan
-
Pagkahilo o pagsusuka
-
Pananakit ng likod
-
Madalas na pag-ihi
-
Pakiramdam na puno pa rin ang pantog pagkatapos umihi
-
Hindi makontrol ang paglabas ng ihi (kawalan ng pagpipigil)
Paggamot
Ginagamot ang kundisyong ito sa pamamagitan ng paglalagay ng tubo (catheter) sa pantog upang maubos ang ihi. Nagbibigay kaagad ito ng ginhawa. Maaaring kailanganing manatili ng catheter sa lugar sa loob ng ilang araw. May lobo sa dulo ang catheter. Pinalalaki ito pagkatapos mailagay ang catheter sa pantog. Pinipigilan nitong mahulog ang catheter.

Pangangalaga sa tahanan
-
Kung binigyan ka ng mga antibayotiko para gamutin ang impeksiyon sa pantog, inumin ang mga ito hanggang sa maubos. O inumin ang mga ito hanggang sa sabihin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na huminto na. Mahalagang ubusin ang mga antibayotiko kahit bumuti na ang iyong pakiramdam. Ito ay upang matiyak na naalis na ang iyong impeksiyon.
-
Kung may naiwan na catheter sa lugar, mahalagang pigilang makapasok ang bakterya sa pinag-iipunang bag. Huwag idiskonekta ang catheter mula sa pinag-iipunang bag.
-
Gumamit ng leg band para ma-secure ang drainage tube, para hindi nito mahila ang catheter. Alisin ang laman ng pinag-iipunang bag kapag napuno ito gamit ang drain spout sa ilalim ng bag.
Follow-up na pangangalaga
Mag-follow up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan, o ayon sa ipinayo.
Kung naiwan ang catheter sa lugar, madalas itong maaalis sa loob ng 3 hanggang 7 araw. Kinakailangan ng ilang kundisyon na manatili nang mas matagal sa loob ang catheter. Sasabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga kung kailan babalik para tanggalin ang catheter.
Kailan dapat humingi ng medikal na payo
Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:
-
Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga
-
Pananakit o pagkapuno ng pantog o ibabang bahagi ng tiyan
-
Pamamaga ng tiyan, pagduduwal, pagsusuka, o pananakit ng likod
-
Pagtagas ng dugo o ihi sa paligid ng catheter
-
Ihi na may dugo na lumalabas mula sa catheter (kung bagong sintomas)
-
Panghihina, pagkahilo, o pagkahimatay
-
Pagkalito o pagbabago sa normal na antas ng pagiging alerto
-
Kung mayroon kang catheter, makipagkita sa iyong tagapangalaga kung ang catheter ay:
Online Medical Reviewer:
Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer:
Marc Greenstein MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
11/1/2022
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.