Related Reading
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkontrol sa Triggers ng Hika: Irritants

Ang irritants (polusyon sa hangin) ay ang karaniwang trigger ng mga sintomas sa mga taong may sensitibong mga baga. Ang sinumang may hika o COPD ay nangangailangan na mag-ingat sa mga ito. Ngunit may mas higit pa sa polusyon sa hangin kaysa sa usok at exhaust ng sasakyan. Kilalanin kung aling mga irritants ang maaaring makaapekto sa iyo. Lagyan ng check ang mga payo na pinakamabisa para sa iyo.

Usok

Usok mula sa sigarilyo, tabako, pipa, pagiihaw, at tsiminea ay nakakairita sa iyong baga.

☐ Huwag manigarilyo. At huwag hayaang manigarilyo ang sinuman sa iyong bahay o sasakyan.

☐ Kapag ikaw ay naglalakbay, makiusap na makakuha ng nonsmoking na nirerentahang sasakyan at mga silid sa hotel.

☐ Maupo sa nonsmoking na seksyon kapag ikaw ay kumakain sa labas.

☐ Iwasan ang mga tsiminea at mga kalang de kahoy. Kung hindi man, umupo malayo sa mga ito. Siguraduhing ang usok ay papunta sa labas.

☐ Huwag magsunog ng insenso sa loob ng bahay.

☐ Lumayo mula sa mga mauusok na ihawan sa labas.

Maulap na usok

Ang exhaust ng sasakyan at iba pang polusyon sa hangin ay nagsasama upang gawin ang smog. Ito ay maaaring maging trigger ng mga sintomas.

☐ Magbasa o makinig sa mga ulat ng kalidad ng hangin sa inyong lugar. Pinapaalam nito sayo kung ang kalidad ng hangin ay hindi maganda.

☐ Manatili sa loob ng bahay hangga’t maaari sa mga smoggy na mga araw. Kung posible, gumamit ng erkon sa halip na buksan ang mga bintana.

☐ Sa iyong sasakyan, ayusin ang erkon upang paikutin ang hangin, upang huwag masyadong makapasok ang polusyon.

Matatapang na Amoy

Ang matatapang na amoy mula sa mga bagay tulad ng fresheners sa silid, pabango, mothballs, insenso, deodorizers, at mga spray para sa insekto ay maaaring magtrigger ng sintomas.

☐ Gumamit ng mga produktong walang amoy katulad ng deodorant at lotion na walang amoy .

☐ Iwasang gumamit ng bleach at ammonia sa paglilinis. Sa halip, gumawa ng isang solusyong panlinis sa pamamagitan ng paghahalo ng suka at baking soda.

☐ Gumamit ng exhaust fans sa pagluluto. Ito ay tumutulong na bawasan ang mga amoy.

☐ Ilagay ang mga damit sa mga kahong may takip. Huwag gumamit ng mothballs o cedar chips.

☐ Umiwas sa mga pabango, air fresheners, potpourri, at iba pang produktong may amoy.

Iba pang Irritants

Ang alikabok, aerosol sprays, at mga pinong pulbos ay maaaring makairita sa baga.

☐ Magsuot ng mask habang gumagawa ng mga gawain tulad ng pagbubuhangin, pag-aalikabok, pagwawalis at mga gawain sa bakuran.

☐ Gumamit ng mga pump spray bottles sa halip na aerosol cans hangga’t maaari. Siguraduhing maayos ang bentilasyon sa lugar na iyong pinagtatrabahuhan.

☐ Ibuhos ang mga likidong panlinis sa halip na i-spray ang mga ito.

TANDAAN: Kung ikaw ay mayroong quick-relief inhaler, palagi itong dalhin. Kung hindi maiiwasan ang isang lugar na mayroong mga irritants, magsubaybay para sa mga sintomas. Kung ikaw ay mayroong mga sintomas, umalis sa lugar na iyon at gamitin ang quick-relief inhaler ayon sa ipinag-uutos.

Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer: Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
Disclaimer